Sunday, December 27, 2009

..before the year ends



Dec 27, 2009 1:32am

I just would want to create another blog entry before the year ends.

Merry Christmas!

First of all, I wanted to share that in greeting "Merry Christmas" we should not shorten it and change the word Christ to X. If we believe that Christ is the reason for the season, let us not change his name to X even if its for the sake of "shotcuts".

Second, I wanted to share my experience in our Christmas Table. Every year our school organizes a Christmas Table wherein unfortunate children from different places are invited. This is to make the children happy and full.

As a senior student, we were required to go and participate in this event for our CAT grade. We were assigned to assist the children in the particular table. And as I was nearing the children, I really smelled something gross. Okay! Honestly, almost all of the children looks dirty, their feet and hands more callous than mine, and their smell( no offense). Although I got really irritated at first, I enjoyed the whole time.

The program has just begun when I was startled by a little boy who spit saliva on the table and when I shouted and asked what he just did, He just looked at me and wiped his saliva with his hands spreading it on the table(eew!) Then, there was also some small quarrels among the kids. There was a girl who cried because the other boy sat on her chair.When I saw that many kids on my assigned table were crying because of food, I got my candies and gave them each. Some even wanted to have more. But, there was a little boy who got my attention. He was cute and well-behaved. When I told him to sit on the chair because the bigger ones will be the one to play games, He just obeyed. When I distributed food, some children hid their food under the table in order to get one. But, the little boy just told me that "I already have one". Some children ate ice cream twice, thrice. I offered him an ice cream but he said " Naka kaon na man ko( I already ate one)" I really admired the little boy for he has proper manners and not allowed his neighbors to influence him in behaving improperly.His name is "mikloy". He is the little boy in the picture above.

I learned a lot on that day. I should be very happy because Im fortunate enough that my needs are well provided. I'm very thankful to God that I have shared my day with the little children.

Lastly, before going online, I was watching the Bottomline hosted by Boy Abunda. The guest was the CNN hero of the year Efren Penaflorida. I was amazed and inspired by the humility of the man. He answered the questions direct to the point and with all honesty.

Dec 27, 2009 2 :21am

Saturday, December 12, 2009

Mapait na Kahapon

ANG MAPAIT NA KAHAPON

by:Keziah


Nasa isang madilim na silid ako. Hindi ko alam kung anong pwersa ba ang nagtulak sa ‘kin para gawin ito. Limang buwan na akong buntis at namatay pa ang ama ng aking dinadala. Ngayo’y para akong isang sisiw na hinang-hina at nangungulila. Hindi. Hindi ko ito maaaring gawin.

“Teka, Madam Violy…hindi ko na po itutuloy itong aborsyon”

“Sigurado ka ba?, may panahon ka pa para mag-isip”

“Hindi ko ho kayang patayin ang anak ng aking minamahal”

Umuwi na lamang ako sa bahay. Sinalubong ako ng ina kong nakaratay sa papag at kapatid kong kulang sa pag-iisip. Salamat at may mabubuti pang taong handing tumulong sa akin at sa aking pamilya. Kung di dahil kay Aling Remi ay matagal na akong bugbog sa pagraraket at pag-aalaga sa nanay at kapatid ko. Salamat sa Diyos at nandiyan si Aling Remi na boluntaryong tumulong at nag-aalaga kina nanay kapag wala ako. Napadungaw ako sa bintana. Tanaw na tanaw ko ang mga kabahayan ng mga iskwater ditto sa Tondo. Hindi ko lubos maisip na lumaki ako sa ganitong klaseng lugar.Makakayanan ko bang palakihin ang anak ko dito?

Dati- rati’y namumuhay kami ng masaya. Isang basurero ang aking ama at labandera naman ang aking ina. Masaya kami kahit nahihirapan. Hanggang sa nagkaroon ako ng kapatid na may Down Syndrome. Lubos na nagtiyaga ang aking ama. Samantalang, huminto si nanay sa pagtanggap ng labada upang maalagaan si Bobet.Nag-aaral namn akong mabuti upang masuklian ang kanilang paghihirap. Katunyan, ako ang lagging nangunguna sa klase.

Hanggang sa isang trahedya ang sumubok sa aming pamilya. Ang ama ko’y namatay dahil natabunan ng mga baura habang nasa Payatas siya’t namamasura ng umuulan. Naging sanhi ito ng pagkayod muli ng aking ina. Si Bobet nama’y pinagkatiwala ni nanay kay Aling Remi. Nag sipag ako lalo sa pag-aaral at inialay k okay itay ang medalyang aking nakuha ng magtapos akong valedictorian noong elementarya.

Sa awa naman ng Diyos ay nakaraos din kami. Nang tumuntong ako ng hayskul ay nakakuha ako ng scholarship.Hindi rin maiwasan ang mga manliligaw na umaali-aligid. Isa na dito si Ramil na hindi pa rin tumitigil sa panunuyo kahit iláng beses ko na siyang sinabihan na wala akong panahón at bata pa ako sa ganyang bagay. Nagsimula na rin akong umabsent. Hanggang sa halos dalawang linggo na akong di pumasok. Nagkasakit ang nanay at ako na muna ang gumagawa ng labada. Nagpatingin na siya sa health center at sabi’y may TB raw siya. Nag-aaral ako sa umaga at naglalaba sa gabi. Ngunit, naglaon ay lumala ang kundisyon ni inay. Di pa kasya ang kinikita ko sa pagkain namin at gamot ni inay.

Isang gabi, di ako nakapaglaba. Nasa plasa lamang ako. Umiiyak. Hindi ko na kayang harapin ang mga hamon na ito. Ang nanay, si Bobet at baka patí scholarship ko ay mawala. May lumapit sa aking isang mama. Inakbayan niya ako na parang isang amang kumakalinga at nagtanaong,“Iha, Ba’t ka ba umiiyak? Ano ba ang problema?”

Napaangat ang ulo ko at napatitig sa kanya. Di ko alam kung anong isasagot.

“Sige na, ‘wag ka ng umiyak. Nandito lang ako”

“Ah..eh, kasi po ay kapos po kami sa pera … may sakit pa ho si inay”

“Ganun ba, magkano ba ang kailangan mong pera? Baka makapahiram ako sa’yo.”

“Huwag na ho… wala po akong pambayad”

Hinagod-hagod niya ang kanyang kamay sa aking beywang at nagsabing,”Sayang naman ang ganda mo. Kahit katawan mo’y pwede mo nang ipambayad”

“Aalis na po ako. Hindi ko matatanggap ang alok ninyo!Hindi ako bayaran!”,wikà ko.

Dinukot niya ang aking mga braso’t mahigpit na hinawakan. Pilit niya akong kinaladkad patungo sa isang madilim na silid. Nilapastangan niya ako. Binaboy. Nagising na lamang ako sa kama, nag-iisa at wala ng saplot. May pera siyang iniwan, tatlong libo na may kasama pang sulat. Nakasaad doon:”Salamat Kagabi”. Galit na galit ako. Inis na inis. Umiyak ako ng umiyak. Naisip ko si nanay at Bobet. Hindi ko na dapat isipin ang kapakanan ko, ang mahalaga’y may pera na kami pangkain at gamut ni inay. Galit man ako Ngunit nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa aking pamilya.Hindi ko man gusting kunin ang pera pero kailangan. Pagkalabas ko sa gusali ay may mga babaeng nakatitig sa ‘kin. Inalok nilá ako ng sideline. “Gusto mo bang sumali sa raket namin? Kikita ka ng malaki dito”, anya ng babaeng may pinaka maigsing palda.

“Ah… eh…kasi”

“Di ka namin pipilitin pero kung gusto mo’y magtungo ka lang dito mamayang alas-otso ng gabi”

Hindi ako pumunta ng gabing iyon.Nasa bahay lamang ako at inaalagaan si Nanay at Bobet. Binalitaan pa ako ni Aling Remi na dumaan sa bahay ang guro namin at nagbilin na tinanggalan na nilá ako ng scholarship at kapag umabsent pa ako ay baka ma kick-out pa ako.

Nagtuloy-tuloy na nga ang aking pag-absent hanggáng sa ako’y ma kick-out. Naglalabada na lamang ako habang nagtitinda ng esaw. Nakakatulong rin naman ito kahit papaano.

Isang gabi, pagkauwi ko’y nadatnan ko si inay na sumusuka ng dugo. Natakot ako. Wala kaming pera upang permanenteng makainom ng gamot si nanay. Wala kaming pambili. Naalala ko ang mga babaeng nag-alok ng trabaho sa akin. Pinuntahan ko silá at agad naman nilá akong tinugunan. Binihisan at nilagyan ng mga kolorete sa mukha. Sabi nila’y gayahin ko raw silá upang may magka-interes sa akin. Wala akong kamuwang-muwang sa aking pinasok.

Isang magarang kotse ang tumigil sa aming tapat. Pinasakay nilá ako roon at binilinan na sundin ko lang ang ipag-uutos ng lalaki. Muling naulit ang pambababoy sa akin. ‘Di ko ito kagustuhan, para ito sa aking pamilya. Kumita ako ng malaki kaya’t ang isang gabi’y nagíng dalawa, tatlo at tuluyan na nga akong nasabak sa prostitusyon. Nasa kalye na ako gabi-gabi. Nakilalako si Dante, miyembro siya ng isang gang. Minahal ko siya’t minahal niya rin ako. Labing-anim na taong gulang lamang kami nang magmahalan. At, nagbunga nga ang aming pag-iibigan. Nangako siyang bubuhayin niya kaming mag-ina at tutulungan niya rin sina nanay at Bobet. Pinahinto niya ako sa pagraraket ko. Pinanghawakan ko ang Pangako niyang iyon kahit alam kong wala namn siyang trabaho. Nasa bahay na lamang ako at muling nagtinda ns esaw. Lumaki ng lumaki ang tiyan ko. Limang buwan akong buntis nang marinig ko ang usap-usapang patay na raw si Dante. Hinanap ko ang mga kasamahan niya at kinumpirma ang bali-balita. Isang linggo na pala siyang patay. Namatay siya ng mabaril sa isang gang war.

“Siya nga pala Anna, ito ang latang may lamang ipon ni Dante. Ikinuwento niya sa akin dati na nag-iipon siya para sa iyong pagbubuntis. Talagang Mahal ka niya Anna”

Napaiyak ako sa mga narinig ko. Hindi ko akalaing sa isang iglap lang ay mawawala na si Dante. Kinuha ko ang lata at bumalik sa bahay. Alam ni nanay ang tungkol sa dati kong trabaho, kay Dante at sa aking pagbubuntis. Huli na nang malaman niya ito kaya’t di na niya ako mapigilan.

Pinuntahan ko si Madam Violy, ang aborsyonistang pinupuntahan ng mga dati kong kasamahan. Hindi ko nga lubos maisip kung bakit ako napatung roon. Hindi ko pala kayâ. ‘Di ko kayang patayin ang sanggol sa aking sinapupunan na bunga ng pagmamahalan namin ni Dante.

Kaya ako nandito ngayón sa bahay. Mamumuhay ako ng malinis alang-alang kay inay, Bobet at sa aking anak. Nagtitinda ako ng may esaw sa may kanto. Sapat naman ang aking kinikita. Ilang buwan ang nakalipas, nakapag-ipon naman ako ng pera kahit kaunti. Medyo bumubuti na si inay. Nakakatayo na siya ngunit di pa rin pwedeng gumawa ng mabibigat na gawain.Kaya’t siya na muna ang nagbabantay kay Bobet. Paminsan, si Aling Remi nama’y hinahatiran kami ng pagkain.

Dumating na ang aking kabuwanan. Nagtitinda ako ng esaw nang maramdaman kong sumasakit na at bumibigat ang tiyan ko. Isinilang ko ang isang batang babae. Danna ang kayang pangalan, kombinasyon ng ngalan namin ni Dante. Si Danna na ang nagíng inspirasyon ko ngayón. Hinding-hindi ko na babalikan ang marumi kong trabaho para sa kanya.

Apat na taón na ang nakalipas simula nang maisilang ko si Danna. Ipinagdiriwang namin ngayón ang kaarawan niya.

“Anak, Danna… Nay, nakita mo ba si Danna?”

“Baka andun sa may kanto. Kalaro ata ang mga apo ni Remi.”

“Titingnan ko muna”

Tumatawid ako. Hindi ko namalayang may rumaragasang kotse. Bigla akong natigilan sa gitna ng kalsada. Huminto ang kotse sa harapan ko mismo. Bumaba ang driver nitong nakakurabata’y pormang-porma.

“Miss, bakit hindi na lang kayo tumawid?”

Wala akong masagot. Kinuha ko na lamang si Danna at ‘di na pinansin ang lalaki.

“Excuse me miss”, lumingon ako. “You look so familiar. Kamukhang-kamukha mo si…teka! Anna? Ikaw na ba yan?

“Ramil?”

“Anna! Ikaw nga! Kamusta? May anak ka na pala?”

“Ah.. oo, si Danna, anak ko. Ikaw? Nag-asawa ka na ba?”

“Ah.. eh, wala pa. Buong buhay ko’y íisáng babae lang ang minahal ko at alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko”

“Ramil… ‘wag tayong mag-kwentuhan rito. Tumuloy ka sa bahay. Saktong-sakto ang pagkikita natin ngayón dahil kaarawan ng anak ko”

Hindi rin naman niya tinanggihan ang alok ko. Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa tabi.

“Pasensya ka na’t masikip ang bahay namin”

“Ano ba, wala sa ‘kin yun… Sandali lang, nasaan na ba ang asawa mo?”

“Matagal na akong balo. Katunayan hindi ko siya asawa Ngunit minahal ko siya. Labing-anim na taón pa lamang ako ng mabuntis at ‘di pa naisisilang ang anak ko ay pinatay na siya”

“Naku, pasensiya na”

“Ok lang, matagal na ‘yon. Kay Danna ko na itinutuon ang aking panahón. Ikaw? Kamusta ka na? Ang ganda ata ng bihis mo ngayón ah”

“Mabuti naman ako. Nagtatrabaho ako bilang isang supervisor sa isang kumpanya”

Ang isang araw ay kulang pa sa aming pagkukwentuhan. Dinadalaw-dalaw niya kami paminsan. Sinuyo at niligawan niya akong muli. Nalaman niya ang nagíng nakaraan ko. Ngunit sa halip na layuan niya ako’y, tinanggap niya pa rin ito at sinabi niyang wala siyang pakialam sa kung ano man ang nagíng trabaho ko. Tuluyan ng nahulog ang loob ko sa kanya. Mahal ko siya. Mahal niya ako, si Danna at ang aking pamilya.

Nagpakasal kami ni Ramil. Inilipat niya kami sa isang magandang bahay. ‘Di ko akalaing sa lahat ng pagsubok na aking dinanas ay may makakamtan pa akong kasiyahan. Masayang Masaya na ako ngayón sa piling ng aking pamilya’t lalaking pinakamamahal ko.